reeyah_jan
read my profile
sign my guestbook

Visit reeyah_jan's Xanga Site!

Name: Reeyah
Country: Philippines
State: down south
Birthday: 4/1/1982
Gender: Female


Expertise: dating men (haha! jk!). shopping
Occupation: Artist
Industry: Art


Message: message me
Yahoo: beulahsale01@yahoo.com


Member Since: 8/17/2004

SubscriptionsSites I Read
obramaeztra
waterdancer913
earth_angel12
aM1eL
XaNgE3eRmUsIc
lord_cyril
manetlasiste
o0o_hawker_o0o
lizadeflor
kurikong
sparky_bookworm
all_sides
walangkwenta
hilakbot
zeniram_anibru
r_nold
LIN925
super_sumo_sausage
JannyPepper

Blogrings
 Don't Give Up
previous - random - next

*MiSsInG SoMeOnE*
previous - random - next

tough love
previous - random - next

.Single.
previous - random - next

!! Fine Filipinas !!
previous - random - next

! jologz fest !
previous - random - next

death by kulangot
previous - random - next


Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site

Monday, March 14, 2005

MATAGAL-TAGAL NA RIN PALA ANG LUMIPAS NO?

ayan, higit isang buwan na nang maghiwalay kami ni friend.. at sa panahong iyon, marami ang naganap.. andyang nagkaron na ng "dwight" si friend at ako naman ay naging kakilig-kilig, nakakainis, kakaimbyerna at kakakunsume ang lablayp.. haha!

ika-7 ng pebrero nang magsimula ang pakikibaka ko sa makati.. pakikibaka sa isang bagong trabaho.. pakikibaka sa bagong tao.. marami akong nakilala.. nakasabay maglunch.. bumili ng pagkain.. magtipid...magkwentuhan.. ka-chat. ka-LAN.. at kung anu-ano pa..

pero masasabi kong nag-iisa parin ang aking mahal na kaibigan - si reeyah.. walang katulad.. kahit sing tigas ng ulo nya ang ulo ko.. kahit sing babaw ng kaligayan ko ang kaligayan nya.. kahit sing drama kami.. kahit sing korny kami.. kahit sing pintasera namin.. sing kulit.. sing daldal.. sing maldita.. at sing PPF ko sya.. sing galing magpayo na hindi naman nya inaapply sa sarili (at ganun din ako) eh love na love ko tong PPF ko.. (sige na nga,sabihin ko na kung ano ang PPF: Pretty, Pretty Friend ibig sabihin nun..)

higit isang buwan na kaming hindi nagkikita ni friend... kahit nagkakausap kami sa email at telepono at text eh iba parin yung magkikita kami, diba?

hay friend, miss na talaga kita... sasabihin mo kay dwight wag ka papaiyakin ha? kundi uupakan ko sya.. ask mo sya kung kaya na ba nya muscles ko, ha?

muli friend, sasabihin ko sayo.. love na love kita.. miss na miss.. at kelanman hindi kita pagpapalit sa kung sinong TH na PPF.. tayo lang ang PPFs sa mundo dabah?

iingat ka lage,k? labyoooouuu!

-- jan


Tuesday, March 08, 2005

Currently Playing
Love of My Life (+2 Bonus Tracks) (+ Bon
By Keith Martin
see related

                        DWIGHT

Ang sarap ng feeling ng inlove noh?! Yun tipong lagi kang lutang, lagi kang masaya, naka-ngiti…parang walang rason o dahilan para malungkot ka, na kahit anong gawing pang-babadtrip sayo, deadma ka lang kasi INLOVE ka…haayy..ang tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon! Buti nalang at dumating ka aking sinta…kung saan-saan pa ako naghahanap at tumitingin ng taong aking mamahalin, andyan ka lang pala sa tabi ko nananahimik, nagmamasid, pinapanood ang bawat galaw ko…ang masaklap nga lang dito, sayo ako lumalapit pag may problema ako. Lahat ng hinanakit, galit, at yamot sayo’y laging nababanggit…pati nga ang mga bagay na di ko na dapat kinukwento sayo, nasasabi ko pa…e anong magagawa ko, komportable ako sayo!  Kaibigan kita e, bestfriend pa nga kung tutuusin! Alam kong minsan naiirita ka na sa mga sentimiento ko, puro nalang ako problema sa tuwing makikita mo ko, pero salamat sayo dahil kahit ganun ako,andyan ka pa din para makinig, para magbigay ng payo!

 

At ngayong may namumuo na saating dalawa, nais kong malaman mo na iba ang aking nadarama…sayo ko lang naramdaman ang ganitong pagsinta! Biruin mo ba naman, nakita ko ang aking sarili na kasama mo hanggang pagtanda ko at magkaron ng mga anak sayo…parang bigla kong natagpuan ang “soulmate” ko!  Ewan ko ba bakit ganun nalang ang aking naramdaman ng bigla kang magbiro saakin nung gabing yon,dun nagsimula ang lahat e…biruan na natuloy sa totohanan! Alam kong ang bilis ng mga pangyayari, kahit mga kaibigan natin nagulat din pero heto tayo pinapatunayan sa kanila na tayo’y nararapat na magsama…kahit Sa Kanya, iisa ang ating dasal na tayo’y gawin Niyang ganap at talagang para sa isa’t-isa! Mahal mo ko at mahal din kita sana lang talaga tayo na hanggang sa dambana…reeyah


Thursday, March 03, 2005

 ANG BIDA

Ang pinaka-hihintay ng lahat…ang prinsesa sa aming munting tahanan at mga buhay…ang pretty nia diba??! Sa totoo lang,ngayon lang ako natuwa ng ganito sa kamag-anak ko..hehehe! ngayon ko masasabe, ANG GANDA TALAGA NG LAHI KO!! Hahaha..di tuloy ako makapag-hintay na magkaron ng sarili kong munting prinsesa at prinsipe…

 

Tignan nio naman ang ichura nia…bata pa ang taray na..fighting line na, show type pa…hahaha! Gawin bang aso…hehe! Tanong lang..bakit pag may baby sa bahay ang bango?! Hhmmm…esep-esep.. ah basta! Ang saya saya dahil may bago kaming anghel sa bahay…pag laki nia kikay din cia..hahaha! habulin ng boys! So sa mga boys na magbabalak in the future..BEWARE! papa-iyakin kayo nito…

 

 ANONG SAY NIO?! GANDANG MGA BABAE NOH?!

 


Tuesday, February 22, 2005

 

NEW LIFE

 

My sister gave birth last night…grabe! We we’re anticipating that since yesterday…ang galing pa kc 30mins lang cia nag-labor! San ka pa! Hehehe…the first time I held her I was kinda stunned coz she was so pretty & looked so much like my sister! (thank God!) hehehe..FYI di cia un baby na naka-post ha..di pa namen cia nakukunan ng picture e..but don’t worry pag meron I’ll post it here!

 

Haaayyy…what would my baby look like kaya?!!

Hmmmm…


Thursday, February 17, 2005

NATAUHAN NA AKO...

 

di ko sinasadyang saktan siya..totoo! kung alam lang niya ang naramdaman ko nung ginawa at sinabi ko ang mga salitang yon sa kanya,sana ngayon naintindihan niya ko…kung nasaktan siya,lalo naman ako! Alam kong umaasa pa  siya na sana’y maibalik sa dati ang lahat,pero huli na e! Tinanggay na ng hangin at inagos na ng mga luha ko ang dati’y matamis kong pagtingin sa kanya…ganun pala yon no? pag napuno ka na,pag na-realize mo na sawa ka ng umasa at maghintay…isang iglap mawawala nalang pala yon!

 

Kahit ako nagulat sa aking naramdaman…pag gising ko nalang isang umaga wala na! Ang tanging naramdaman ko nalang e yung kagustuhang bumangon at limutin ang lahat ng di magandang nangyari saken dahil sa pag-ibig…oo,pag-ibig!

 

Bitter na kung bitter pero karapatan ko din naming lumigaya diba?! Hinahanap-hanap ko ang tunay na pag-iibigan,yun bang may commitment…nakaka-umay din pala yung puro nalang “fling”…hahanap-hanapin mo din pala yun totoong pagmamahal,yung taong makakasama mo buong buhay mo…

 

sana naman maintindihan niya na ginawa ko yon para din sa kanya dahil ayoko na siyang masaktan at umasa pa sa wala…kahit nga mahirap,ginawa ko pa din dahil alam ko malaking tulong din yon para sa kanya!

 

Ang bigat sa loob…tama nga yung line sa kanta ni james ingram…”there’s no easy way to break somebody’s heart..” sino ba naman ang may gustong masaktan diba?! Siguro yung mga masokista…

 

minsan kasi kailangan nating masaktan para matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa,iwasang maging masyadong dependent sa isang tao…kung di man nagiging matagumpay ang pagsasama niyo,sigurado may darating pang iba dyan na mamahalin natin..naalala ko yung quote na sinend saken ng isang kaibigan ko…”minsan kailangan maghiwalay para magkasubukan,minsan masaktan para may matutunan at minsan kailangan mong mag-isa para malaman mong SIYA na nga ba tlga o may darating pa?”…

 

na-realize ko lang,di naman porke’t sinaktan ka at iniwan e dapat ka ng maging miserable e…isa nga yung opurtunidad para magawa ang mga bagay na di mo nagagawa dati…dati na kong nagmahal ng sobra, binigay ang lahat at di na nagtira para sa sarili…ang tagal kong umaasa,naging miserable din ang buhay ko dahil dun…sarado ang isip ko sa magagandang bagay na nakalaan para saakin di ko manlang naisip ang dami pa ring nagmamahal saakin…

 

ang dami kong dapat ipagpasalamat sa buhay ko ngayon. Pero sa lahat ng pinagdaanan ko wala akong pinagsisihan dahil alam ko na ginusto ko rin yon…para sa’yo, na naging bahagi ng buhay ko kahit isang saglit lamang…I’am really sorry & thank you! Ikaw ang nagbukas ng isip ko…sana baling araw makahanap ka na rin ng taong magmamahal sayo at mamahalin mo…

 

 

 

 

 

 

 

 



Next 5 >>

u.S.a.P.a.N.g...B.a.D.i.N.g

[ Background by www.Soup-Faerie.Com ] style=position:static;left:10;top:2;ptsize:3pt;>[ Background by www.Soup-Faerie.Com ] Cursor by www.Soup-Faerie.Com

<bgsound src="http://a420.v8383d.c8383.g.vm.akamaistream.net/7/420/8383/3b858b51/mtvrdstr.download.akamai.com/8512/wmp/4/25873/29488_1_2_04.asf" loop="infinite">